6
SHABU8
By

2 arestado sa 100 sachet ng shabu

Sharing is caring!

Mahigit sa 100 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Parañaque City Police sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay San Antonio Valley na nagresulta sa pagkakadakip ng isang lalaki at babae kahapon ng madaling-araw sa lungsod.

Kinilala ni Senior Supt. Victor Rosete, hepe ng Parañaque City Police, ang dalawang nadakip na sina Aiman Baraguir y Abdullah, 31 taong gulang, residente ng Benitiez St., Barangay BF Homes, ng nasabing lungsod at Johaima Ali y Akmad, 35, naninirahan sa Sunrise Drive St., Barangay San Antonio Valley, Parañaque City.

Lumalabas sa imbestigasyon na alas-dos ng madaling-araw nang ikasa ang buy- bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit sa No. 16 Fooball St., San Antonio Valley.

Isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer para bumili ng P1,000 halaga ng shabu kay Baraguir kung saan naabutan naman dito si Ali na bumili rin ng isang platic sachet ng shabu sa suspect.

Hanggang sa inaresto rin si Ali at nakumpiskahan ng isang plastic sachet na nagkakahalaga ng P1,000.

Pinasok din ng mga awtoridad ang bahay ni Baraguir na nakuhanan ng 100 plastic sachet na naglalaman ng hinihinlang shabu.

Nakarekober din ng isang digital na timbangan at drug paraphernalias mula sa suspek.

Agad namang dinala sa nasabing himpilan ng pulisya ang dalawang suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?