24

By

2-araw na jeepney strike, ikakasang muli sa Disyembre

Sharing is caring!

Ikinasa muli ng mga tsuper at mga operator ang kanilang nationwide protest bilang tugon sa isinusulong na jeepney phaseout ng pamahalaan.

Ayon kay George San Mateo, convenor ng No To Jeepney Phaseout Coalition (NTJPOC) at Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide o PISTON, dalawang araw na strike ng jeepney ang kanilang gagawin sa Disyembre 4 hanggang Disyembre 5 sa buong bansa.

Bukod sa NTJPOC, PISTON, ang jeepney strike anila ay suportado ng mga samahan ng mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU)at mga kababaihan gaya ng Gabriela.

Sa Enero 1 ng susunod na taon (2018) ay sisimulan na ng pamahalaan ang pagtatanggal ng mga lumang jeepney sa lansangan na papalitan ng modernong sasakyan na mariing kinokondena ng mga tsuper at operators dahil sa pagiging mataas ang presyo nito.

Ayon kay San Mateo, hindi pabor sa mga Filipino ang modernisasyon ng jeepney dahil ang mga malalaking negosyante lamang at mga dayuhan ang makikinabang sa nasabing eskima.

Sinabi ni San Mateo, 250,000 na operators at 600,000 na tsuper sa buong bansa ang apektado ng nasabing phaseout bukod sa libu-libong kawani sa mga pagawaan ng jeepney. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?