93

Feb 23, 2021 @ 13:33
By

2-anyos sinuksok ang kutsara sa extension, nakuryente

Sumakabilang-buhay ang dalawang taong gulang na bata sa Quezon City matapos niyang isaksak ang kutsara sa isang electrical outlet.

Kinilala ang bata na si Jake Angara.

Kuwento ng kanyang nanay na si Eloisa, naghahanda siya ng gatas para kay Jake. Pagkatapos, ang kutsara na ginamit niya ay kanyang iniwan sa puwestong hindi maaabot ng bata.

“Noong bubuksan ko na ang pintuan, may pumutok. Kinabahan ako, pero akala ko may nalaglag lang or what,” sabi ng nanay, sa ulat ng GMA News.

“Napasigaw ang asawa ko, ang sabi niya lang, ‘Si Jake, na-ground’,” lahad pa niya.

Sinugod ni Eloisa ang bata sa ospital ngunit nasawi rin ito.

Humihingi ng tulong-pinansiyal ang pamilya Angara. Nakatakdang ilibing si Jake ngayong araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?