162
abante-tnt-vismin-child-abuse

2-anyos na bata, pinatay sa bugbog sa Pangasinan

Sharing is caring!

Paulit-ulit na pinalo ng kawayan ng isang babae at sinuntok pa hanggang sa mawalan ng malay ang binabantayan nitong bata sa bayan ng San Fabian, sa Pangasinan.

Ayon sa report, kinasuhan na ng murder si Glaiza Silva, 31, matapos saktan at mapatay ang 2-anyos na bata sa Angio village noong Mayo 13.

Itinakbo ni Silva ang bata sa health center at sinabing nahulog ito sa hagdanan.

Dinala naman ng health workers ang biktima sa Region 1 Medical Center kung saan idineklara itong dead on arrival.

Sinabi sa mga pulis ng mga doktor na sumuri sa bata na ang mga pasa nito ay mula sa pangbubugbog.

Kalaunan ay umamin din si Silva at sinabing nainis siya sa pag-iyak ng bata kaya nagawa ang krimen.

Nabatid na ang namatay na bata at kapatid nitong 4-anyos ay iniwan sa pangangalaga ni Silva noong Abril 15 ng nanay ng mga ito na nagtatrabaho sa Laguna.

Magkasama umanong nakatira si Silva at ang nanay ng mga bata sa iisang bahay simula Oktubre 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?