360

Jul 28, 2018 @ 11:04
By

2-anyos na apo, ni-rape ng lolo

Isang 50-anyos na lolo ang dinakip ng pulisya makaraang mabistong minolestiya nito ang kanyang 2-anyos na apo nang mapansin ng ina ng paslit na nilalagnat ang biktima at namamaga ang kaselanan sa Barangay Mapulang Lupa, Pandi, Bulacan kamakalawa ng tanghali.

Base sa report ni P/Chief Insp. Manuel de Vera Jr., Pandi police chief, nakilala ang nadakip na si Teodulo Huerno, 50, may-asawa, ng Phase 4, Block 6, Lot 42, Barangay Mapulang Lupa, Pandi na nakapiit ngayon matapos reypin ang kanyang apo na itinago sa pangalang Aiza.

Dakong alas-11:00 ng tanghali nang mabisto ang panggagahasa ng lolong suspek sa kanyang sariling apo sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Mapulang Lupa nang mapansin ng ina ng paslit na nakilalang si Hermilyn Huerno na dumadaing ang anak na masakit ang kaselanan nito nang kanya itong papalitan ng diaper.

Dito na nagduda ang ina ng biktima dahil nilalagnat ang kanyang anak at nakita nitong namamaga ang kaselanan ng anak at nagsabing “Si Papa, sugat ako” na patungkol sa kanyang lolo kaya kaagad siyang humingi ng tulong sa awtoridad at nadakip ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong rape.

Hindi na idinetalye kung paano nireyp ng suspek ang kanyang sariling apo na hindi itinanggi ang pangmomolestiya sa paslit habang nakakulong na ito ngayon sa Pandi Municipal Jail samantalang dinala ang biktima sa pagamutan upang maeksamin matapos itong lagnatin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?