429

Dec 5, 2019 @ 20:23
By

2-anyos na anak pinagtulungang gahasain ng mag-asawa

Nagwakas ang mala-demonyong gawain ng isang mag-asawang pedophile matapos silang hatulang makulong nang habambuhay dahil sa krimeng ginawa sa kanilang anak na batang babae.

Ginagahasa nina Gerrad Coddington, 25, at Christina Nelson-Coddington, 29, ang 2-anyos nilang anak sa bahay sa Pauls Valley sa Oklahoma, ayon sa metro.co.uk.

Gawain umano ng mag-asawang Coddington na itali, saktan at gahasain ang batang anak.

Nadiskubre rin sa palitan nila ng mensahe online na plano rin nilang gawin ito sa hindi pa nila pinapanganak na anak.

Sinentensiyahan sila ni Judge Leah Edwards sa 29 child sex crimes kabilang na ang rape, child abuse, incest at manufacturing child sex abuse images.

Naaresto ang mag-asawa noong Hunyo 2019 matapos mag-share ng mga hindi kanais-nais na litrato sa Facebook.

Namataan ito ng mga moderator na siyang nag-tip sa Federal Bureau of Investigation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?