206,703
2 anak pinapainom ng pills para hindi mabuntis ng rapist na ama
By

2 anak pinapainom ng pills para hindi mabuntis ng rapist na ama

Isang walang pusong ina ang nagpapainom sa kaniyang dalawang teenager na anak ng birth control pills para hindi mabuntis ang mga ito ng rapist nilang tatay.

Ayon sa ulat, ginagahasa ng 67-anyos na suspek na nakilala lang sa pangalang Paijo, ang 16 at 19-anyos nitong mga anak na babae simula pa 2012.

Nadakip si Paijo sa Borneo, Indonesia matapos magsumbong ang mga biktima sa kanilang mga kapitbahay.

Inamin umano ni Paijo ang pagpaparaos ng paulit-ulit sa mga anak nang isailalim ito sa interogasyon.

Hindi naman malinaw kung kakasuhan din ang ina ng mga bata na nagpapainom umano sa mga biktima ng pills.

Kasalukuyan na umanong nasa pangangalaga ng pulisya ang mga biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?