65

Jul 12, 2021 @ 19:58
By

2 ale bistado sa pagnanakaw ng halaman

Nakunan ng video ang dalawang babaeng binunot at tinangay ang mga halaman ng isang dermatologist.

Sa kanyang Twitter post, ibinahagi ni Dr. Winlove Mojica ang screenshot ng mga magnanakaw ng purple chichirica niya, na sakay ng motorsiklo.

“Ito po ang nagnanakaw ng mga halaman ko. Dalawang aleng naka motorsiklo. Binunot ang bonggang purple chichirica ko among many others ngayong tanghali. Sana naibenta niyo para pandagdag gastos. Pero wag na wag kayong babalik dito,” saad ni Dr. Mojica.

“Parang nag grocery shopping! Okay lang pumutol pero binunot ang buong halaman bago tumakas. Alam namin kung ano yung mga kalsadang dinaanan niyo at sino ang mga kinausap niyo,” dagdag niya.


Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?