17

By

2 akyat bahay tepok sa parak

Sharing is caring!

Patay ang dalawang miyembro ng ‘Akyat Bahay’ gang nang manlaban umano sa mga nagrespondeng pulis sa Novaliches, Quezon City.

Batay sa report sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), ang mga ‘di pa nakilalang mga suspek, ang isa ay tinatayang mga nasa edad 35-40, may taas na 4’9 nakasuot ng itim na t-shirt at orange short pants at may tattoo na ‘Boy’ sa tiyan

Habang ang pangalawa naman ay nasa edad 25-30, may taas na 5’2, nakasuot ng navy blue t-shirt, black short pants, at rubber shoes at tadtad ng tattoo ang katawan.

Sa pahayag sa pulisya ng biktimang si Ricky Florendo Sevilla, 50, biyudo, negosyante, at naninirahan sa No. 36 Dominga St., F.B. De Jesus Subd., Brgy, Nagkaisang Nayon, Novaliches, nanonood siya ng telebisyon nang marinig niyang may kumakaluskos sa loob ng kanyang computer shop.

Dahil dito ay agad niyang pinuntahan ang computer shop na nasa tabi lamang ng kanyang tahanan at nasilip niya ang dalawang suspek na naghahalungkat sa loob.

Sa takot ay hindi umano gumawa ng anumang ingay ang biktima at agad na tumawag sa QCPD Station 4 na pinamumunuan ni PSupt Rossel Cejas at inireport ang insidente.

Agad namang rumesponde ang mga operatiba ng QCPD Station 4 sa pamumuno ni SPO2 Patricio Gayo, subalit pagdating sa tahanan ng biktima ay bigla na lamang silang pinaputukan ng baril ng mga kawatan kaya napilitan na rin silang gumanti ng pamamaril.

Nasamsam sa crime scene ang isang Norinco caliber .45 pistol, dalawang bala, isang Smith and Wesson kalibre .357 revolver na may dalawang bala, P320 at dalawang sachet ng shabu, Yamaha motorcycle, Samsung Led TV, computer CPU at monitor at accessories na ninakaw ng mga suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?