60

2 airport policemen, arestado sa pangingikil

Sharing is caring!

Dinakip ng pinagsanib na puwersa Counter Intelligence Task Force (CITF) at Intelligence Group of the Philippine National Police ang dalawang pulis na sangkot diumano sa pangingikil sa mga drivers na pumi-pick up ng mga pasahero sa NAIA Terminal 2.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Airport Police personnel Police Officer 1 Pablo P. Atayde Jr. and Police Officer 1 Danilo Levite Jr.

Inaresto ang dalawa sa isang entrapment operation ng mga tauhan ng CITF na nagpanggap na driver.

Dinala ng CITC ang dalawa sa Camp Crame para sa disposisyon at paghahain ng kaukulang kaso sa korte.

Ikinasa ang operasyon dahil sa natatangap ng reklamo ng PNP-CITF.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?