52

By

2 Airline gusto maningil ng ‘fuel surcharge’

Sharing is caring!

Dalawang airline company ang humiling sa Civil Aeronautics Board (CAB) na payagan silang maningil ng “fuel surcharge” sa mga pasahero.

Ayon kay CAB legal division head Wyrlou Samodio, binuhay ng mga airline company ang kanilang petisyon para sa surcharge sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Hindi pinayagan ng CAB ang katulad na hirit 3 taon na ang nakakaraan dahil pababa noon ang halaga ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.

Sisimulan nilang talakayin ang nasabing petisyon sa darating na Biyernes.

Sinabi ng CAB na sakaling payagan nila petisyon ng hindi nito kinilalang mga airline, kailangan din nilang pagbigyan ang iba pang kompanya.

Pero paglilinaw ng CAB, hindi pare-pareho ang magiging halaga ng surcharge dahil depende ito sa ruta, klase ng eroplano at iba pang bagay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?