motor
By

2 agaw-motorsiklo, timbog sa Parañaque

Sharing is caring!

Naaresto ang dalawang sinasabing magnanakaw ng motorsiklo sa Parañaque City, Martes ng gabi.

Nabatid na unang nakatanggap ang pulisya ng sumbong na may isang motorsiklo ang tinangay sa Barangay Merville alas-siyete ng gabi kaya’t agad na nagsagawa ng follow-up operations.

Kinilala naman ang may-ari ng tinangay na motorsiklo na si Jovie Agustin, 42, ng Barangay Sun Valley sa lungsod.

Sa pagtatanong ng mga pulis, natunton ng mga ito ang dalawang suspek na sina Rocky Garaano, 37, ng Barangay Merville, at Reynaldo Lipata, 30, isang driver. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?