85
ABANTE-TNT-sereno-comm
By

2 abogado ni Sereno, Comm. Cadiz inisyuhan ng show cause order

Sharing is caring!

Pinagpapaliwanag ng House justice committee ang dalawang abogado ni Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno at ang isang commissioner ng Commission on Human Rights (CHR) kung bakit di sila dapat ma-contempt sa negatibong mga pahayag laban sa impeachment proceedings.

Naglabas ng show cause order ang komite laban kina Attys. Joshua Santiago at Aldwin Salumbides gayundin kay CHR Assistant Commissioner Robert Cadiz matapos magmosyon sina Deputy Speaker at Cebu Rep. Gwen Garcia at 1-Sagip Rep. Rodante Marcoleta dahil sa umano’y mapanirang mga pahayag ng tatlo laban sa Kamara, sa komite at sa impeachment proceedings.

Tinukoy nina Garcia at Marcoleta ang mga lumabas sa mga pahayagan at social media kung saan pinatungkulan ang kamara at mga kongresista na “the law of the jungle” at “the law of the supermajority”.

Binigyan ni Committee chairman Reynaldo Umali ang tatlo ng 72- oras para magsumite ng paliwanag.

Kapag hindi aniya nakuntento ang mga kongresista sa paliwanag ng mga ito ay kailangan silang humarap sa komite para sumailaliam sa pagtagtatanong.

Iginiit ni Umali na dapat igalang ng mga abogado ni Sereno ang proceedings ng impeachment committee.

“Lawyers should understand being officers of the court that they should respect the proceedings of the House and not resort to saying adverse statements,” ayon kay Umali. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?