22

Sep 28, 2020 @ 20:58
By

2-3 bagyo asahan sa October – Pagasa

Inaasahang dalawa hanggang tatlong bagyo ang papasok sa Philippine area of responsibility sa buwan ng Oktubre.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), karamihan ng bagyo na papasok ay posibleng mag-landfall sa silangang bahagi ng Luzon.

Sakaling pumasok ang tatlong bagyo sa susunod na buwan, papangalanan silang “Nika”, “Ofel” at “Pepito”.

“Dalawa o tatlong bagyo ang posibleng pumasok sa ating area of responsibility ngayon pong October 2020,” pahayag ni weather specialist Ariel Rojas.

Sa kasalukuyan ay naka-La Niña alert ang Pagasa dahil 70 porsiyentong may tsansa ng pagkakaroon ng nasabing phenomenon sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?