19

Jun 10, 2021 @ 22:12
By

2.2M Pfizer bakuna dumating sa ‘Pinas

Dagdag na 2.2 milyong dose ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine mula sa COVAX facility ang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Huwebes.

Ito ang pinakamalaking batch ng mga bakuna ng Pfizer mula sa COVAX na dumating sa bansa.

Ipamamahagi ito sa National Capital Region, Davao at Cebu.

Sinalubong ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. at iba pang opisyal ng Department of Health ang pagdating ng mga bakuna.

Kaninang umaga, June 10 ay dumating din ang panibagong isang milyong dose ng CoronaVac vaccine mula sa Chinese firm na Sinovac.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?