52

Jun 3, 2019 @ 10:42
By

1st triple-double sinungkit ni Castro, Dickel, Abueva, 4 pa sinipa sa laro

Mga laro sa Miyerkoles: (Smart Araneta Coliseum)

4:30pm – Magnolia vs Alaska

6:45pm – San Miguel vs NorthPort

Nagtala si Jayson Castro ng bihirang magawang triple-double — 11 points, 13 rebounds, at 11 assists — upang itulak ang TNT KaTropa sa maigting na 114-88 panalo kontra sa Phoenix Pulse sa naging pisikalang laro para anim ang masipa sa laro Linggo ng gabi sa 44th Philippine Basketball Associoation 2019 Commissioner’s Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.

Huling na-ejected sa mahigit seven minutes pa ng final quarter si Calvin Abueva sa pagkarate sa lalamunan ni Terrence Jones tapos ang ilang mainit na nilang mga tagpo na gitgitan at banggaan sa game.

Agad nagkainitan sa 9:11 ng opening period ang magkabila tapos magkasagutan ang ilang manlalaro sa harap Fuel Masters bench ng Fuel Masters bago nagkatulakan at muntik magrambol bago napaghiwalay ng mga malalamig ang ulo.

Na-thrownout sina Phoenix coach Louie Alas dahil sa flagrant misconduct for a coach gayundin ang foreign consultant ng TNT na si Mark Dickel dahil sa disregarding officials. Saksi pa ang ilan na binato nito ng bola ang reperi.

Sinipa rin sina Anthony Paul at David Semerad para sa Texters kasama ni Jason Perkins sa Fuel Masters dahil sa fighting stance habang na-technical foul Abueva dahil sa second motion.

Inaasahan ang mga multa at suspensyon mula sa Office of the Commissioner para sa mga sangkot sa gulo.

Sampa ang TNT sa two-way tie sa segundo sa 3-1 win-loss , kakartada ang NorthPort sa likod ng nakabalik sa taas na Blackwater (4-1) na wagi sa opener kontra Rain or Shine (0-2), 98-92. Sadsad sa 1-1 Phoenix.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?