99

May 22, 2020 @ 17:18
By

1st time sa Zoom! Duterte mangunguna sa graduation ng PMA, PNPA

Gumawa ng paraan si Pangulong Rodrigo Duterte para pangunahan ang graduation rites ng Philippine Military Academy (PMA) at Philippine National Police Academy (PNPA) gamit ang teleconferencing app na Zoom.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ito ang unang beses na dadalo ang Pangulo gamit ang Zoom app sa isang graduation.

“For now, ito yung pinakauna-unahang pagkakataon na naka Zoom or teleconferencing ang Presidente na nag-attend ng graduation. Kaparehong PMA at saka ng PNPA,” saad ni Roque.

Itutuloy pa rin ang graduation ng PMA kahit pa hindi papayagan ang mga magulang na dumalo para masunod ang social distancing dahil sa COVID-19 pandemic.

Gumawa ng ingay ang batch ng mga bagong sundalo matapos na maging valedictorian ang isang babae sa katauhan ni Cadet First Class Gemalyn Sugui.

Isa ring babae ang nanguna sa PNPA class of 2020 matapos na maging top student si Cadet Lei Anne Palermo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?