11

By

1st Magna awardee Sharon Cuneta, itatampok sa MYX

Sharing is caring!

Isang makulay na buwan ang maaasahan sa MYX sa pagbisita ng Megastar na si Sharon Cuneta bilang MYX Headliner at sa pagdating ni Alex Gonzaga bilang Celebrity VJ ng nangungunang music channel ngayong Setyembre.

Si Sharon ang unang nakatanggap ng prestihiyosong MYX Magna Award noong 2006. Ngayon, nagbabalik siya sa music channel bilang MYX Headliner tampok ang kanyang mga sikat na awitin habang naghahanda para sa nalalapit niyang concert sa Araneta Coliseum bilang pagdiriwang ng kanyang ika-40 taon sa showbiz.

Tuloy tuloy naman ang galak ng ‘Star Hunt’ host na si Alex matapos niyang ipagdiwang ang unang anibersaryo ng kanyang vlog at maparangalan ng gold YouTube button sa kanyang paglampas sa 1M subscribers. Kalalabas lang rin ng kanyang pangatlong libro, ang ‘Sissums: the 18 Rules of Sisterhood’ at dito kasama naman niya ang kapatid na si Toni Gonzaga bilang co-author. Ngayon, magpapasaya naman si Alex bilang host ng iba’t ibang programa sa MYX sa buong buwan.

Ang singer, songwriter at producer naman na si Fernando Miguel Tan, o mas kilala bilang Fern, ang ‘MYX Spotlight’ artist ngayong buwan. Kilalanin ang 17-year-old artist sa kanyang pagdala ng mga sariling awitin tulad ng ‘Into You’, ‘Are You Mine’, at ‘Wanna Dance with You’.

Sundan naman si VJ Ai sa pagpunta ng ‘MYX Adventures’ sa 2018 San Diego Comic Con sa Amerika.

Makinig sa mga istoryang behind-the-scenes ng mga pinakamalaking Hollywood stars tulad nina Chris Pine at Gal Gadot ng ‘Wonder Woman 1984,’ Jason Momoa, Nicole Kidman, Patrick Wilson, at Amber Heard ng ‘Aquaman,’ Ryan Reynolds ng ‘Deadpool 2,’ at Jude Law, Eddie Redmayne, at Ezra Miller ng ‘Fantastic Beasts: Crimes of Grindelwald.’ Sorpresa ding bumisita si Johnny Depp bilang Grindelwald. Panoorin ito bukas, 10 AM at 4 PM at sa Sabado (Setyembre 8), 12NN.

Abangan ang mga exciting na kaganapan sa MYX ngayong buwan. Tunghayan si Alex bilang MYX Celebrity VJ sa ‘Pop MYX’ hanggang Setyembre 8, sa ‘Pinoy MYX’ mula Setyembre 9 hanggang 15, sa ‘Mellow MYX’ mula Setyembre 16 hanggang 22, at sa ‘My MYX’ mula Setyembre 23 hanggang 29. Panoorin din si Sharon sa kanyang ‘MYX Presents’ feature sa darating na Setyembre 29 (Linggo), 9 PM. Mapapanood ang MYX sa ABS-CBN TVPlus channel 12, sa SKYcable channel 23, at SKYdirect channel 37.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?