15

May 4, 2021 @ 15:37
By

1st batch ng national ID ipamimigay na

Sinimulan na ang distribusyon ng unang batch ng Philippine national ID, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Aabot sa 956 na PhilID ang ide-deliver sa mga lugar ng Metro Manila, La Union, Ilocos Sur, Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga, Rizal, Cavite, Iloilo, Bacolod, Albay, Bohol, Masbate, Capiz, Negros Oriental, Cebu, at Davao.

“We are pleased to have commenced this major milestone in the implementation of the PhilSys. This exercise showed us what can be improved in our card production and personalization machines and processes,” ayon kay PSA Undersecretary Dennis Mapa.

PHLPost ang nakatoka mag-deliver ng mga national ID, habang Bangko Sentral ng Pilipinas naman ang abala sa printing nito.

Target ng PSA na makapag-register ang 70 milyong Pilipino sa Philippine Identification System bago matapos ang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?