99

Jun 12, 2021 @ 12:58
By

1Sambayan tatalupan na mga pambatong presidente, VP

Ngayong Sabado ng hapon inaasahang iaanunsyo ng opposition coalition 1Sambayan ang anim na nominado nito para sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo sa 2022 elections.

“By 2 o’clock this afternoon ire-release namin ‘yung anim na aming mga pangalan na possible candidates or nominees for the position of president and vice president,” pahayag ni Atty. Howard Calleja, isa sa mga co-convenor ng koalisyon, sa panayam sa TeleRadyo.

Tiwala ang koalisyon na ang mga pambato nila sa eleksyon ay isasantabi ang personal na interes.

Kabilang sa initial choices nila sina Vice President Leni Robredo, Manila Mayor Isko Moreno, Senadora Grace Poe at dating senador Antonio Trillanes IV.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?