100

Jun 12, 2021 @ 16:00
By

1Sambayan nilantad na 6 nominado sa pagka-pangulo, VP

Isiniwalat na ng opposition coalition 1Sambayan ang anim nilang pinagpipiliang “manok” para sa pagka-presidente at bise presidente sa 2022 national elections.

Ayon kay dating Foreign Secretary Albert del Rosario, 1Sambayan co-convenor, maaari pang madagdagan ang kanilang listahan.

Layon ng 1Sambayan na tapatan ang ieendorsong mga kandidato ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay sina Vice President Leni Robredo, dating senador Antonio Trillanes IV, Senadora Grace Poe, CIBAC Rep. Eduardo “Bro. Eddie” Villanueva, Atty. Chel Diokno at Batangas Rep. Vilma Santos Recto.

Sa anim na nabanggit, si Trillanes pa lamang ang nagpahayag ng kanyang intensiyong

tumakbo sa pagka-presidente pero handang magparaya kapag nagdesisyon si Robredo na sumabak sa presidential race.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?