21

Jul 14, 2021 @ 10:22
By

1M Sinovac bakuna lumapag sa ‘Pinas

Nadagdagan ng isang milyon ang supply ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas nitong Miyerkoles ng umaga.

Dumating ang mga dose ng Sinovac vaccine sa Ninoy Aquino International Airport bandang alas-7:35 ng umaga.

Sinalubong ni vaccine czar Carlito Galvez ang paglapag ng bakuna, na lulan ng Cebu Pacific Flight 5J671.

Ayon kay Galvez, karamihan sa dumating bakuna ay gagamitin para sa second dose.

Inaasahan na sa July 17 ay may dumating pang lampas isang milyong bakuna sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?