15

Aug 22, 2021 @ 13:48
By

1M Sinovac, 260K Sinopharm COVID vaccines lumapag na sa ‘Pinas

Patuloy ang pagdating ng COVID-19 vaccines sa bansa.

Nito lang kasing Sabado nang matanggap na ng pamahalaan ang 1 milyong Sinovac at 260,800 COVID vaccines ayon sa National Task Force Against COVID-19.

Binili ang Sinovac vaccines samantalang donasyon naman ang Sinopharam vaccines mula Chna.

Batay sa ulat ng GMA News, sakay ang mga bakuna ng isang Philippine Airlines flight at lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 alas-6:40 ng umaga.

Sinalubong naman nina Department of Health Director Ariel Valencia mat Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Assistant Secretary Wilben Mayor ang naturang batch ng bakuna.

“Malaking tulong ito sa ating mga kababayan para sa pagsalba ng mga may sakit. Lalong lalo ngayon na may Delta variant at tumataas ang kaso natin, malaking tulong itong mga dumating na vaccines,” ani Mayor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?