23

Nov 26, 2021 @ 9:59
By

1M Pfizer vaccine hinatid sa Pinas

Dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang 1,016,900 doses ng Pfizer nitong Nobyembre 25 ng gabi.

Tinanggap ni National Task Force (NTF) against COVID-19 Assistant Secretary Wilben Mayor ang pagdating ng mga bakuna na binili ng gobyerno.

Inaasahang makakatanggap ang bansa ng isa pang 201,240 na dosis ng Pfizer sa Biyernes ng gabi.

Nitong Nobyembre 25, may kabuuang 78,528,357 na dosis ng bakuna sa COVID-19 ang naibigay na sa buong bansa, kabilang dito ang 34,555,933 Pilipino na fully-vaccinated at 43,870,322 na nakatanggap na ng unang dosis. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?