231

By

$1M para ‘mambastos’: 2000’s Team USA pinagpustahan si Yao Ming

Sa tangkad na 7-foot-6, nakaisip ng pakulo ang 2000’s Team USA para ganahan kontra sa Chinese star na si Yao Ming.

Inilantad ng dating national team member na si Kevin Garnett na kanilang pinagpustahan si Ming sa halagang $1 milyon.

Ang kailangang gawin? Dumakdak sa harap ng isa sa pinakamatangkad na NBA player sa kasaysayan.

“People didn’t know, we had a bounty out on Yao Ming,” saad ni Garnett sa panayam sa Yahoo! Sports.

Ngunit sa huli, walang nakasungkit ng isang milyong dolyar.

“The whole USA team had a bet. We had a million dollar bet on who was going to be the first person to dunk on Yao Ming. None of us did. We all tried to dunk on Yao, but he would block it or we would miss, ” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?