124
1K preso sa NBP namamatay kada taon dahil sa iba’t ibang sakit
Oct 3, 2019 @ 15:54
By

1K preso sa NBP namamatay kada taon dahil sa iba’t ibang sakit

Dalawampung porsiyento o mahigit sa 1,000 ng 5,200 preso sa maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) ang namamatay kada taon dahil sa iba’t ibang uri ng sakit.

Ito ang sinabi nitong Huwebes ni NBP hospital chief Dr. Ernesto Tamayo sa pagdinig ng Senado sa kontrobersiyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Bukod sa ‘overcrowding’ ang siyang dahilan ng pagkamatay ng mga preso, inamin din ni Tamayo na hirap silang kontrolin ang ilang sakit sa loob ng maximum compound tulad ng pulmonary tuberculosis na madaling nakahawa sa mga preso.

“Hindi ma-contain ‘yung pulmonary tuberculosis,” pag-amin ni Tamaya sa komite.

Ilan naman umano sa mga namatay na preso ay nasawi matapos masaksak sa loob ng maximum security compound.

Inamin naman ni dating NBP inmate Godfrey Gamboa na maraming namamatay na preso dahil sa isinisilbing pagkain sa loob ng pambansang piitan.

“Marami po (namamatay) puro panis ang pagkain sir. Nanghihina,” sabi ni Gamboa sa pagtatanong ni Senador Richard Gordon.

Inamin naman ni Tamayo na may namamatay na preso subalit ‘isolated case’ naman ito at madalas ay dahil sa dehydration. Wala naman umanong dahil sa malnourismnet.

“Ang nangyari lang po, napakain na may sira ang pagkain. Once lang po ‘yun. Sabi nila botcha,” sabi ni Tamayo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?