9
views

By

1K pasahero ng MRT pinababa dahil sa ‘di nagsarang pintuan

Sharing is caring!

Makalipas ang 28 araw, muling nagkaroon ng unloading incident kanina sa MRT.

Ayon kay Aly Narvaez, ang tagapagsalita ng MRT, alas-9:13 kaninang umaga nang pababain ang may 1,000 pasahero sa isang South-bound train sa Araneta-Cubao Station.

Aniya, isang pinto ng tren ang hindi nagsara kaya’t minabuting hindi na ipinatuloy ang pagbiyahe nito.

Isa sa tinitingnan nilang dahilan ay ang pagsandal ng mga pasahero sa pinto o puwersahang pagbubukas kaya’t nasira ang components nito.

Paglilinaw naman ni Narvaez na hindi naman nila sinasabi na tiyak ng walang mangyayaring unloading incident sa MRT dahil maging ang mga train system sa ibang bansa ay nangyayari ito.

Banggit lang nito na ang 28 araw na walang nangyaring unloading incident hanggang kahapon ay maituturing na nilang record breaking matapos ang halos araw araw na katulad na insidente simula noong nakaraang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?