10

Oct 12, 2020 @ 9:30
By

1K kahon ng smuggled paputok sinilaban ng BOC

Sinunog ng Bureau of Customs (BOC) Port of Davao ang 1,000 kahon ng mga illegally imported firecracker na pinuslit sa isang lokal na palengke sa nasabing lungsod.

Ginawa ang pagsunog noong Oktubre 1 at 2 sa mga paputok na nasamsam ng BOC Port of Davao, Philippine National Police (PNP) at Davao City Explosive Ordinance and Canine (EODK9) Unit.

Ayon kay BOC Port of Davao District Collector Atty. Erastus Austria, kinailangang wasakin ang mga paputok dahil delikadong sumabog ang mga ito kapag tinago lang.

“The dangers posed by these illegally imported firecrackers do not end with its seizure. Anything serious can happen to these explosive materials while under storage, as even a small spark could trigger an explosion, so we had to immediately facilitate its destruction,” aniya pa.

Sabi ng BOC, kinumpiska ang naturang mga shipment dahil sa pagiging misdeclared ng mga ito bilang cleaning balls, plastic craft, flashlights, at plastic coverings.

Nilabag ng nasabing importasyon ang Section 1400 at Section 119 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?