52

Nov 5, 2017 @ 17:26

1K bakwit ng Marawi, magkakatrabaho na – TESDA

Sa kasagsagan ng giyera sa Marawi City, sinamantala ng 1,084 evacuees na matuto ng pagkakakitaan sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ayon kay TESDA Dir. General Guilling Mamondiong ang mga evacuees ay nakapagtapos ng ibat ibang short term courses tulad ng cake making, dressmaking, massage therapy, carpentry at cooking.

Aniya, inaasahan na nila na ngayon tapos na ang giyera ay mas marami pa ang papasok sa kanilang scholarship programs.

Nabatid na sa naturang bilang, 793 ang babae at 291 naman ang lalaki.

Sinabi pa ni Adiong na ang mga nagsipagtapos ay maari na rin makakuha ng trabaho maging sa ibang bansa kung hindi magsisimula ng kanilang sariling negosyo. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?