709

Jul 18, 2019 @ 20:21
By

Duterte nagalit sa panghahalay sa 1-anyos sa Makati

Nakarating na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kalunos-lunos na sinapit ng 1-anyos na lalaki na hinalay at pinatay ng isang lasing sa Makati City.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na gaya ng publiko, matinding galit ang naramdaman ng Pangulo dahil pati inosente at walang muwang na sanggol ay nakaranas ng ganitong uri ng karumal-dumal na krimen.

Kinondena ng Palasyo ang nangyari sa biktima at inatasan ng Pangulo ang Philippine National Police (PNP) na tiyaking maparusahan ang suspek sa krimen.

“We condemn in the strongest terms the barbaric rape and murder of a one-year-old boy in Makati. The tragic news has reached the attention of the President and he, like all Filipinos, has been extremely outraged by this heinous criminal act,” ani Panelo.

Kasabay nito pinapurihan ng Malacañang ang PNP dahil sa maagap na pag-aresto sa suspek na si Gerald Riparip kung saan hawak na ito ngayon ng Makati City Police.

Lumabas sa imbestigasyon ng Makati City Police na nagawa ni Riparip ang krimen dahil sa kalasingan at itinanggi nito na gumagamit siya ng iligal na droga.

Nakatakda namang isailalim sa drug test ang suspek para matukoy kung nasa impluwensiya ito ng droga nang gawin ang krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?