148
Kagawad tinambangan sa Tondo, Manila
Mar 21, 2018 @ 19:06

1985 Tour of Luzon champion, tinodas dahil sa lupa

Awayan sa lupa ang motibong tinitingnan umano sa pagpaslang sa dating kampeon ng Marlboro Tour of Luzon na si Pepito Calip sa Binalonan, Pangasinan.

Alas-6:35 ng umaga nitong Lunes nang pagbabarilin umano si Calip, 61, sa harapan ng kanilang bahay sa Barangay Linmansangan ng nasabing bayan habang nakikipagkuwentuhan sa isang kapitbahay nang dumating ang riding-in-tandem.

Sinubukan pang isugod sa Urdaneta City Sacred Hospital ang biktima ngunit nasawi rin dahil sa tama ng bala sa tiyan.

Base umano sa imbestigasyon ng Binalonan Municipal Police Station, mayroon sanang ikatlong komprontasyon sa barangay ang biktima at isa nitong kamag-anak dahil sa kaso ng pinag-aagawang lupa.

Sa kasalukuyan, ipinag-utos na ang masusing imbestigasyon sa pamamaslang kay Calip gayundin ang agarang pagdakip sa mga suspek.

Tinanghal na kampeon sa Marlboro Tour of Luzon noong 1985 ang biktima kung saan hawak pa rin nito ang record ng pinakamabilis na siklista na pumedal mula La Union hanggang Baguio City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?