28

Oct 25, 2021 @ 15:55

1984 Jordan shoes, naibenta ng halos $1.5-M

Record-setting ang halaga na pinagbentahan sa sapatos ni NBA legend Michael Jordan sa isang auction house nitong Linggo.

Ayon sa Sotheby’s, naibenta nila sa halagang $1.472 milyon, o mahigit P74 milyon ang Nike Air Ships na sinuot ni Jordan sa kanyang rookie season noong 1984.

Nabili ito ng kolektor na si Nick Fiorella.

“To present such a groundbreaking and important pair of sneakers at this special auction in Las Vegas further solidifies the strength and broad reach of the sneaker collecting community,” pahayag ni Brahm Wachter ng Sotheby’s, ayon sa ulat ng NBC news.

Ang pagbili ni Fiorella sa naturang sapatos ang pinakamahal na pinagbentahan sa isang pares ng sneakers sa isang auction.

Noong 2008 ay nabili sa halagang $1.8 milyon ang sapatos ni Kanye West na Nike Air Yeezy 1 Prototypes. Ngunit ayon sa Sotheby’s, hindi ito nabili sa auction bagkus ay sa isang private sale.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?