21

Nov 23, 2021 @ 18:04
By

195 tepok sa COVID sa Pinas

Nadagdagan ng 195 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa bansa ngayong Martes, batay sa tala ng Department of Health (DOH).

Sa kabuuan, tumuntong na sa 47,482 ang lahat ng nasawi sa bansa dahil sa virus.

Samantala, umakyat na sa 2,827,820 ang kabuuang bilang ng mga COVID cases sa bansa matapos makapagtala ng 1,153 na mga bagong kaso.

Ang mga nakarekober naman ay nadagdagan ng 2,192 at sumampa sa 2,761,617.

Sa ngayon, ang bilang ng may COVID sa bansa ay 18,721.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?