11

By

191 pasaway huli sa SPD

Sharing is caring!

Umaabot sa 191 pasaway ang inarestong lumabag sa iba’t ibang ordinansa matapos ang ikinasang Oplan:Sita sa Southern Police District (SPD) nitong Linggo, Setyembre 16.

Batay sa report na nakalap mula kay Supt. Jenny Tecson, tagapagsalita ng SPD, nagsagawa ng implementasyon ng mga ordinansa ang mga awtoridad sa mga lungsod ng Makati, Parañaque, Pasay, Las Piñas, Muntinlupa, Taguig at bayan ng Pateros, bandang alas-10 Sabado ng gabi hanggang alas-5 ng Linggo ng madaling-araw.

Nahuli ang 12 katao na nag-iinuman sa pampublikong lugar, 43 ang inaresto sa smoking ban, dinampot ang lima katao na mga walang damit pang-itaas, 127 menor-de-edad ang naabutang gumagala sa lansangan sa kabila na umiiral ang curfew hours at tatlo naman sa illegal vending.

Sa naturang bilang, 55 ordinance violators ang pinagmulta ng awtoridad, nasa 133 ang pinagsabihan o binigyan ng warning habang tatlo ang sinampahan ng kaukulang kaso.

Habang nasa 32 indibiduwal na lumabag sa ordinansa ang nananatiling nakadetine sa Pasay City Police.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: