motorbanca

190 pasahero, 2 motorbanca stranded sa Bicol

Sharing is caring!

Nasa 190 pasahero at dalawang motorbanca ang stranded sa Bicol dahil sa gale warning sa mga karagatan bunsod ng malakas na hangin.

Sa ipinalabas na ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), alas-kuwatro ng hapon ngayong Enero 13, apektado ang Bulan at Pasacao ports sa Sorsogon.

Stranded ang may 115 pasahero at isang motorbanca sa Bulan Port habang 75 pasahero at isang motorbanca sa Pasacao Port.

Inabisuhan na ang lahat ng units ng PCG na siguruhin ang istriktong implementasyon ng HPCG Memorandum Circular Number 02-13 o Guidelines on Movement of Vessels during Heavy Weather.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,