33
Abante-TnT--Duterte-sa-mga-NPA-Sumuko-na-kayo
Mar 5, 2018 @ 19:16

190 ex-NPA members dadalhin sa Malacañang, Luneta at Intramuros

Dumating na sa Manila ang ikatlong batch ng mga dating miyembro ng New Peoples Army (NPA) na makikipaghapunan kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang.

Ayon kay Maj. Ezra L. Balagtey, spokesperson ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom), kinabibilangan ng 190 na mga dating rebelde mula Davao Del Sur, Davao Del Norte at Davao City ang dinala sa Maynila sakay ng Philippine Air Force C-130 aircraft.

Bahagi sila ng 683 na mga dating rebelde na iprinisinta sa pangulo nuong December 21, 2017 sa Panacan, Davao City.

Bukod sa hapunan sa Malacanang, ipapasyal din ang mga dating NPA sa Luneta Park at Intramuros.

Ang mga aktibidad para sa mga dating rebelde ay bahagi ng kanilang pagpasok na sa lipunan.

Samantala, ang mga babae na dating rebelde ay bibigyan ng pagkakataon na magbakasyon sa Hongkong.

Kasalukuyang pinoproseso na ang kanilang mga papeles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?