14

Oct 31, 2020 @ 10:01
By

19 todas, 700 sugatan sa magnitude 7.0 lindol sa Turkey, Greece

Abot sa 19 katao ang napaslang sa nangyaring magnitude 7.0 earthquake sa siyudad ng Izmar sa Turkey, na naramdaman din sa Greece.

Ayon sa Disaster and Emergency Management Presidency ng Turkey, 17 katao ang namatay sa kanilang bansa, aabot naman sa 709 naman ang sugatan.

Isang binata at dalaga namana ang natagpuang patay sa Samos, isang isla sa Greece matapos matabunan ng gumuhong pader.

Ayon naman sa alkalde sa bayan ng Izmir, tumaas ang sea level sa kanilang lugar na nagdulot ng maliit na tsunami.

Sa ngayon ay nagkasa na ng search and rescue operation sa Izmir,, kung saan tinatalang aabot sa 17 gusali ang nawasak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,