115

Dec 25, 2017 @ 11:11

19 patay, 25 sugatan sa salpukan ng dyip at bus sa La Union

Trahedya sa araw ng Pasko.

Labingsiyam ang nasawi, karamihan ay mga bata, habang 25 iba pa ang sugatan nang magbanggan ang isang dyip at bus sa bayan ng Agoo, lalawigan ng La Union kaninang madaling araw.

Ayon sa report, binabagtas ng dyip ang kahabaan ng southbound lane ng Manila North Road sa Barangay San Jose alas-3:30 ng madaling araw nang sumalpok ito sa Partas bus matapos mag-overtake sa isa pang sasakyan.

Sa lakas na pagkasalpok, 19 sa 29 sakay ng dyip ang agad nasawi. Nasugatan naman ang 15 sakay ng bus.

Galing sa Barangay Pilar, bayan ng Bauang, La Union ang dyip at patungo sana sa Our Lady of the Rosary sa Manaoag, Pangasinan nang maganap ang aksidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?