52
npa
By

19 NPA sumuko sa Sultan Kudarat

Nasa 19 rebeldeng komunista na nag-o-operate sa boundary ng apat na bayan sa Mindanao ang kusang-loob na sumuko sa pamahalaan sa kasagsagan ng ika-50 anibersaryo ng New People’s Army (NPA) sa Isulan, Sultan Kudarat.

Ang mga dating rebelde ay nagnanais ng maayos at matiwasay na pamumuhay kasama ang kanilang mga pamilya kaya nagkasundo na isuko ang sarili sa pamahalaan kasama ang pamilya upang magkaroon ng masiglang pamumuhay sa isang maayos na komunidad.

Ayon kay Lt. Col. Elmer Boongaling, 33rd Infantry Battalion commander, pursigido ang mga dating NPA na magkaroon ng maayos na pamumuhay na walang takot na lumalabas ng bahay kasama ang kanilang mga pamilya.

Matapos ang ginawang pagsuko, agad na nakatanggap ng livelihood assistance, kabayaran sa mga isinukong armas na tulad ng 13 high-powered firearms, explosives and ammunition at nabiyayaan ng pabahay sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Iniharap naman ang mga sumukong rebelde kay Sultan Kudarat Governor Pax Mangudadatu sa naganap na seremonya Biyernes ng hapon kasabay ng pamamahagi ng tulong pinansiyal.

Nabatid na ang mga rebelde ay nag-o-operate sa ilang bayan sa liblib ng North Cotabato, Davao del Sur, Sultan Kudarat at South Cotabato.

Itinaon ang pagsuko bago ang pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng NPA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?