handcuffed
By

19 miyembro ng foreign syndicate, dinakip ng BI

Sharing is caring!

Arestado ang 19 na foreign nationals na wanted sa ibat-ibang krimen kabilang na ang drug trafficking at call center fraud sa operasyon na isinagawa sa Muntinlupa City ng Operatiba ng Bureau Of Immigration.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni BI Commissioner Jaime Morente, sinabi ni Fugitive Search Unit (FSU) Chief Bobby Raquepo na ang 16 sa mga nadakip ay Thai nationals na pawang mga undocumented aliens at mapanganib sa seguridad at kaligtasan ng publiko dahil sa pagiging pugante sa batas.

“We received information from the Royal Thai Police that they are fugitives from justice and a part of a large-scale criminal syndicate that have been operating an illegal call center in the country,” ayon sa pahayag ni Morente.

“They have amassed Millions of Thai Baht by committing fraud and victimizing Thai people in the Philippines,” dagdag pa ng opisyal.

Ayon pa sa ulat ni Raquepo, una nag-operate ang sindikato sa Cambodia at Malaysia bago palawakin ang kanilang operasyon sa Pilipinas.

Sinabi naman ni BI Spokesperson Dana Krizia Sandoval na ang mga pasaporte ng 16 na Thais ay pinawalang-bisa na ng Thai Government.

Idinagdag pa ni Sandoval, na ang tatlo pa sa Taiwanese nationals ay naaresto rin sa naturang operasyon.

Batay sa ulat mula sa Taiwanese authorities na ang ring leader na kilala sa alyas Wu Chang Long, ay wanted sa Hongkong dahil naman sa kasong drug trafficking.

“Let this serve as a warning to other foreign nationals who plan on conducting their illegalities in the Philippines,” said Morente. “We will not allow foreign criminals to use our country as their venue for their illegal activities,” sabi ni Sandoval.

Ang 19 foreign nationals ay inaresto habang nag-ooperate ng illegal call center sa Posadas Village sa Barangay Sucat, Muntinlupa City.

Sasailalim sila sa inquest proceedings, at makukulong sa BI Detention Facility in Taguig City habang nakabinbin ang kanilang deportasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?