218

Jan 3, 2018 @ 16:24
By

19-M deboto inaasahan sa traslacion ng Nazareno

Posibleng umabot sa halos 19 na milyong deboto ang lalahok sa traslacion o prusisyon para sa kapistahan ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila.

Ayon kay Supt. Lucille Faycho, ng Manila Police District, malaki ang posibilidad na tumaas pa ng limang porsiyento ang bilang ng mga dumalo noong nakaraang taon sa pista na umabot sa 18 milyon.

Nagsimula ang mga aktibidad na may kaugnayan sa pista noong Disyembre 31, 2017 na matatapos naman sa Enero 9, 2018 sa pamamagitan ng traslacion.

Wala pa namang umanong namomonitor na anumang banta sa naturang aktibidad.

Samantala, magsasagawa naman sa Enero 7 ng prusisyon ng mga replica ng Itim na Nazareno mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Magsisimula ang aktuwal na traslacion, alas-sais ng umaga ng Enero 9.

Ayon naman kay Father Douglas Badong, tinatayang nasa isa hanggang dalawang milyong deboto ang lalahok sa traslacion, na magsisimula sa Quirino Grandstand sa Rizal Park at matatapos sa Quiapo Church. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?