43

19 election hotpots masusing binabantayan ng PNP

Nasa 19 lungsod at munisipalidad sa bansa ang isinasailalim ngayon ng Philippine National Police (PNP) sa election hotspots para sa pagsisimula ng election period bukas, Enero 13.

Ayon kay PNP Director General Oscar Albayalde, ng election hotpots ay mga lugar na nagkaroon ng insidente ng karahasan na may kinalaman sa politika, lalo na ngayong nalalapit na 2019 national elections.

Paliwanag ni PNP deputy spokesperson Supt. Kim Molitas, kapag bumaba ang mga insidente ng karahasan sa isang lugar ay tatanggalin na ito sa listahan o hindi kaya ay inililipat sa ibang kategorya, karamihan sa election hotspots ngayong 2019 ay nasa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Katuwang ng PNP ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ginagawang validation para ilabas ang election hotpots habang ang Daraga, Albay ay inirekomenda na ilagay sa kontrol ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa pagkakapatay kay Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe.

Matatandaang noong 2016, nasa 48-katao ang nasawi sa kasagsagan ng election period habang nasa 50 ang sugatan na karamihan ay tagasuporta ng mga kandidato. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?