78

Jan 17, 2020 @ 20:23
By

19 babae nasagip sa 2 prostitution den sa Makati

Kabuuang 19 kababaihan ang na-rescue sa magkahiwalay na operasyon sa mga establisyimento na umano’y ginagawang prostitution den sa Makati City noong Huwebes ng gabi.

Unang nasagip ang 12 babae sa isang bar sa Bautista Street kanto ng Casino Street sa Barangay Palanan dakong alas-10:50 ng gabi.

Naaresto rito ang isang Serges Borlas, 50, na maintainer umano ng bar.

Samantala, pitong babae ang nasagip sa isang establisyimento sa Emilia Street sa Barangay Palanan dakong alas-11:30 ng gabi kung saan nadakip sina Junyen Barrios, 42, at Gella Winston, 47.

Nakakulong na ang mga naaresto sa Makati City police station habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila na paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?