44

Jul 30, 2021 @ 11:53
By

19-anyos na kelot pumapak ng menor de edad, timbog

Arestado ang isang 19 anyos na lalaki dahil sa umano’y panghahalay nito sa 12 anyos na menor de edad.

Batay sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI), nagkakilala ang dalawa dahil sa pagcha-chat sa social media.

Ayon sa ulat, nagpaalam ang biktima sa kaniyang mga magulang na bibili sa tindahan pero nagyaya umano ang suspek na mag-eyeball sila sa bahay ng kanyang tropa na nauwi sa inuman.

Giit naman ng suspek, nagpakilala raw ang menor de edad na 16 anyos na siya.

“Siya ang nagyaya na magsama kami sa kuwarto. Tapos siya rin ang nagsabi na patayin ko ang ilaw bago matulog. Nagulat ako na niyakap niya ako tapos hinalikan ako,” sambit ng lalaki.

Hindi naman kinagat ng NBI ang katwiran ng lalaki.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek habang umaarangkada pa ang imbestigasyon kung kakasuhan din ang mga kabarkada nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?