37

Jan 13, 2022 @ 17:52
By

18M pamilya kailangan ayuda sa pagsipa ng COVID

Kailangang bigyan ng pamahalaan ng ayuda ang 18 milyong pamilya ngayong muling umigting ang COVID19 alert level sa ilang bahagi ng bansa.

Sabi ni IBON Foundation executive director Sonny Africa, mas kailangan ngayon ng pinakamahihirap na pamilya ang ayuda p ara matulungan ang mga self-employed at karamihan ng mga informal worker.

Ayon kay i Africa, maraming mawawalan ng kabuhayan sa paghihigpit sa pagkilos ng mga hindi bakunado, ang pagtaas ng alert level at ang pagpalit ng istratehiya ng administrasyong Duterte sa pagtugon sa COVID pandemic.

Aniya pa, hindi dapat pinalalagpas ang administrasyong Duterte sa ginagawa nitong pagpapahirap sa mga mamamayan na pinaka-apektado sa kapalpakan ng gobyerno sa pagtugon sa pandemya na siyang nagpapalaki ng problema sa public health.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?