10

Sep 15, 2021 @ 12:30
By

189 pulis nakaligtas sa COVID, 229 bagong biktima

Tumaas pa sa 34,771 kawani ng Philippine National Police (PNP) ang naitalang nakarekober mula sa COVID-19.

Ito ay matapos maitala ang 189 bagong gumaling nitong Martes.

Samantala, nadagdagan naman ng 229 ang bagong tinamaan ng virus.

Sa kabuuan, 37,566 pulis na ang nagpositibo ng COVID.

Bukod dito, bahagya ring umakyat sa 110 ang death toll rate ng ahensya.

Kasalukuyang 2,685 na ang nagpapagaling na pulis mula sa nakamamatay na virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,