34

By

1,852 katao huli sa crime ops ng EPD

Umaabot sa 1,852 mga pasaway ang nahuli sa magdamang crime operations ng ikinasang Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement sa mga lungsod ng Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) Director PBGen. Christopher Tambungan, patuloy ang pagsasagawa ng SACLEO ng mga tauhan ng Eastern na ikinakasa sa magdamagang operation.

Batay sa report, nasa 14 katao ang inaresto sa drinking in public places, nasa 226 katao ang arestado sa smoking ban, 40 ang huli sa kasong half naked o walang damit pang-itaas na kadalasang lalaki ang nahuhuli, 53 ang nahuling kabataan na pagala-gala sa kalsada at nasa 1,519 ang nahuli pa sa ibang paglabag sa batas.

Sa kabuuan, nasa 1,380 mga pasaway ang nahuli sa Pasig City, 334 ang arestado ng Mandaluyong Police, 53 katao ang nahuli sa Marikina habang nasa 85 katao ang inarestong pasaway sa San Juan City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?