35
ph-singapore1

$185.7-M business deals, napirmahan na ng PHL, Singapore

Naiselyo na ang nasa $185.7 milyong halaga ng business deals sa pagitan ng Pilipinas at Singapore ngayong Sabado.

Ginanap ito sa 32nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa “Lion City” kung saan sinaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pirmahan ng memoranda of understanding at letters of intent.

Ayon sa gobyerno, magdadala ito ng 1,920 trabaho sa bansa.

Siniguro naman ng Pangulo sa mga negosyanteng Singaporean na hindi ito pahihirapan sa Pilipinas sakaling magnegosyo sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?