63
18 sundalo patay sa car bomb attack sa India
By

18 sundalo patay sa car bomb attack sa India

Nasa 18 Indian paramilitary officers ang nasawi sa naganap na suicide attack sa Kashmir, India.

Ayon sa report ng BBC, sinalpok ng kotse na puno ng pampasabog ang bus na sinasakyan ng mga sundalo na patungong Srinagar, ang capital ng Kashmir.

Inako ng Pakistan-based Islamist group na Jaish-e-Mohammad ang naturang pambobomba.

“It’s not yet clear how many vehicles were in the convoy that was on its way from Jammu to Srinagar. A car overtook the convoy and rammed into a bus with 44 personnel on board,” sabi ng isang senior police official sa BBC.

Maaari pa umanong madagdagan ang bilang ng nasawi dahil dose-dosena pa ang kritikal sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?