70

Aug 8, 2019 @ 15:57
By

18 patay sa car bomb sa Afghanistan

Nasa 18 katao ang namatay habang mahigit 100 pa ang sugatan sa malakas na pagsabog sa Kabul, Afghanistan noong Miyerkoles.

Sa inisyal na imbestigasyon, isang car bomb ang sumambulat sa labas ng police station sa central Kabul.

Inako ng Taliban ang pag-atake at sinabing target nila ang mga pulis at sundalo.

Ito na ang pinaka-latest na terrorist attack sa naturang bansa bago ang gaganaping presidential elections sa susunod na buwan.

Ayon sa Taliban, ang naturang eleksyon ay plot para lokohin ang mga mamamayang Afghan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?